23 barangay 'lumubog'

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nalunod sa flashflood habang lumubog naman sa tubig-baha ang 23 Barangay sa Cotabato City kaugnay ng anim na araw na patuloy na malalakas na pag-ulan sa Maguindanao.

Ang biktimang si Sam Mundas ay nalunod matapos tangayin ng tubig baha sa pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao River sa lugar.

Sa ulat ni City Disaster Coordinating Council Chief Sam Mundas, aabot na rin sa 20,000 katao ang apektado ng mga pagbaha sa Cotabato City bunsod upang suspendihin ang klase dito nitong Biyernes. (Joy Cantos)

Show comments