^

Probinsiya

2 mangingisda niratrat

-

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang mangingisda habang da­lawa pa ang nasugatan matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki ha­bang nanghuhuli ng isda sa Talisay City, Cebu ka­makalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Welcres Caminga­wan, 28 anyos at Victor Labarejos, pawang ng Sitio Crusher, Barangay Lawaan 3, Talisay City. Ang mga ito ay pawang natadtad ng mga tama ng bala sa ulo, tiyan, leeg at balikat na agaran nilang ikinamatay.

Nasugatan naman si Jeffrey Capino habang masuwerte namang naka­ligtas ang tatlo pa nilang kasamahan.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Barangay Mohon sa Tali­say City.

Nabatid na nanghuhuli ng isdang hito sa isang maputik na palayan ang anim nang dumating ang mga suspek at pinag­ba­baril ang mga biktima. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY LAWAAN

BARANGAY MOHON

CAMP CRAME

JEFFREY CAPINO

JOY CANTOS

SHY

SITIO CRUSHER

TALISAY CITY

VICTOR LABAREJOS

WELCRES CAMINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with