Anak ng konsehal tiklo sa droga
BATANGAS, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang anak ng city councilor matapos maaresto ng pulisya sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Barangay San Carlos, Lipa City, Batangas. Kinilala ni P/Supt. Francisco Rodriguez, ang suspek na si Winston Uy, 42, ng RR Alley, at anak ni Councilor Dy Pang Kiana. Si Uy ay naaresto sa loob ng kanyang tahanan matapos isagawa ang drug-bust operation nina SPO1 Renato Laygo, PO3 Enrico Tapalla at PO1 Dan Gonzales. Nasamsam sa suspek ang dalawang sachet ng shabu at P500 marked money. Sinikap namang kunan ng pahayag ang suspek at ang amang konsehal pero kapwa ito tumangging magbigay ng komento. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending