Sanggol walang mga braso isinilang
NUEVA ECIJA, Philippines – Isang sanggol na walang mga kamay at magkadikit ang ilang daliri sa kanang paa ang isinilang noong Lunes sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Nabigla si Rachel Ann Batumbacal, 20, ng Paradise Subd. sa Barangay Bangad, nang ipagbigay-alam ng kanyang mister na si Reylando Solis na ang isinilang niyang sanggol na si Baby Darrel ay walang kamay at magkadikit ang ilang daliri sa paa.
Nangangamba tuloy si Rachel Ann kung matutupad pa ang matayog na pangarap niya para sa anak na makapagtapos ng pag-aaral kahit hirap sila sa kabuhayan.
Paniwala ni Rachel Ann na dahil sa napagli hihan niyang biik sa pinapasukang piggery ng kanyang mister ang po sibleng resulta ng anyo ng sanggol.
Sinabi naman ni Dr. Melchor Sarangaya, chief of clinics ng ELJMH, na malabong paglilihi ang dahilan nang pagkawala ng mga kamay at pagkakadikit ng ilang daliri sa paa ng sanggol.
Maaaring sa nainom nitong gamot habang nagbubuntis, ayon pa sa doktor.
Aminado naman si Rachel Ann na uminom siya ng gamot sa urinary track infection at nagsimula lamang siyang magpakunsulta sa doctor noong nasa ikawalong buwang pagbubuntis.
Ipinahayag naman ni Dr. Sarangaya na tutulong ang nasabing ospital sa sanggol ni Rachel Ann. Christian Ryan Sta. Ana
- Latest
- Trending