^

Probinsiya

Hepe ng PNP intel kinatay

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Pinagtulungang tagain hanggang sa ma­patay ng mag-utol na ma­tadero ang isang tinyente ng pulisya sa panibagong ka­rahasang naganap ka­ma­kalawa ng hapon sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Animoy kinatay na ba­boy ang naging katawan ni P/Inspector Anselmo Dulin, 50, dating hepe ng Ma­­conacon PNP sa Isa­bela bago naging hepe ng intelligence section sa bayan ng Bayombong.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Armalite Fabro, lumilitaw na sinalpok ng traysikel ni Julius Retonda ang liku­rang bahagi ng Nissan Stra­ta ng biktima sa kaha­baan ng highway ng Ba­rangay Bascaran.

Napag-alamang si Dulin ay magse-serve ng warrant of arrest sa bayan ng Bagabag nang maganap ang insidente.

Dito nagtalo ang dalawa hanggang sa umalis si Retonda na agad ding bu­malik kasama ang kanyang kapatid na si Ronald sakay ng motorsiklo at walang kaabug-abog na sinaga­saan ang biktimang naka­tayo sa gilid ng kanyang kotse.

Nang bumaliktad ang biktima ay agad na pinag­ta­taga at pinagsasaksak ng mag-utol na Retonda kung saan napuruhan sa ulo at mukha ang opisyal.

Nakatakas naman si Ro­nald, habang ang ka­patid na si Julius ay dinala sa ospital dahil sa sugat na tinamo sa pinagmulan ng krimen.

vuukle comment

ANIMOY

ARMALITE FABRO

BAGABAG

BASCARAN

INSPECTOR ANSELMO DULIN

JULIUS RETONDA

NISSAN STRA

NUEVA VIZCAYA

RETONDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with