Misis inutas ng pamangkin

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Binaril at napa­tay ang isang 30-anyos na misis ng sariling pamangking lalaki dahil sa sermon ng una kamakalawa ng hapon sa Barangay Pabrica, Calabanga, Camarines Sur. Napu­ruhan ng bala ng baril sa dibdib si Analyn De Jesus ha­bang na­aresto naman ang senglot na suspek na si Andy Agravante, 22, kapwa nakatira sa nabanggit na ba­rangay. Base sa police report, pinagsabihan ng biktima ang suspek na umuwi na lamang at matulog dahil sa lango na sa alak subalit ikinagalit nito at isinagawa ang krimen. Ed Casulla

Show comments