^

Probinsiya

Dinos-por-dos ng kaklase

-

MANILA, Philippines - Nagunaw ang matayog na pangarap ng isang high school student maka­raang hatawin ng matigas na kahoy sa ulo ng kan­yang kaklase na napahiya sa loob ng kanilang klas­rum sa bayan ng Carcar, Cebu kamakalawa.

Idineklarang patay sa Jesus Paras Emergency Hospital si John Carlo Lumba, 18, 4th year high school student habang iniimbestigahan naman ng pulisya ang hindi pinanga­lanang 15-anyos na ka­klase ng biktima na posi­bleng isailalim sa custody ng local na sangay ng Department of Social Welfare and Development.

Sa ulat ni SPO1 Socra­tes Familgan na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng Can-asujan National High School sa Barangay Can-asujan.

Nabatid na nagalit ang suspek nang hingan siya ni Lumba ng P10 kontribus­yon para sa mga ipapa-burn na kanta sa CD na ka­nilang gagamitin sa school activity kaya’t hindi na siya pinilit magbigay.

Naging tampulan na­man ng tukso ang suspek na kinantiyawang barat ng kaniyang mga kaklase kaya napahiya kung saan ito ay nagmamadaling lumabas ng silid-aralan.

Gayon pa man, nag­kataon namang lumabas ang titser na si Jessica En­dangan kaya nang buma­lik ang suspek ay may dala na itong matigas na kahoy at inihataw sa noo ng biktima.

Sa pinakahuling tala ng United Nations Children’s Fund, umaabot na sa 4,000 menor-de-edad ang nasa ku­ lungan noong 2005, da­hil sa pagka­kasang­kot sa krimen. Joy Cantos

BARANGAY CAN

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JESSICA EN

JESUS PARAS EMERGENCY HOSPITAL

JOHN CARLO LUMBA

JOY CANTOS

NATIONAL HIGH SCHOOL

SHY

UNITED NATIONS CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with