Jailbreak: 5 preso pumuga

MANILA, Philippines - Umaabot sa limang preso ang tinutugis ngayon ng mga awtoridad makaraang pumuga sa himpilan ng pu­lisya sa bayan ng Carmen, Cebu kamakalawa ng mada­ling-araw.

Sa report ng pulisya, kabilang sa mga naka­puga ay sina Christopher “Tuper” Berot, Marcelito “Mar­sing” Pisao, na kapwa may kasong pagnanakaw; Rannie Manulat, may kasong illegal possession of firearm; Jeffrey Jagdon, convicted prisoner sa kasong robbery at si Raymond Sanico, may kasong rape.

Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang hepe ng pulisya at mga tauhan nito na responsable sa insi­dente. Joy Cantos


Show comments