Pawnshop owner kinatay

MANILA, Philippines - Nakatarak pa ang patalim sa tiyan at leeg nang matag­ puan patay ang isang 86-anyos na babaeng may-ari ng pawn­shop matapos pagtulungang saksakin at sakalin pa ng round bar ng mga kawatan na nanloob sa tahanan nito sa Brgy. Apopong, General Santos City kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mercedes B. Dacera, na natagpuan sa loob ng palikuran at pinani­ni­walaang pinagnakawan pa ng mahahalagang kagamitan at hindi pa madeterminang halaga.

Ayon kay Joseph Darang, chief ng brgy. tanod, maaaring may kasabwat na bata ang mga kawatan na siyang pinaakyat sa pader at bintana para mabuksan ang bahay ng matanda. Joy Cantos


Show comments