KIDAPAWAN CITY, Philippines – Isang 64-anyos na foreman sa construction firm na sinasabing nakikipag-inuman sa kanyang mga trabahador ang iniulat na nasawi makaraang saksakin ng kanyang trabahador dahil sa mainitang pagtatalo kaugnay sa kanilang trabaho kahapon sa Barangay Mua-an sa Kidapawan City, North Cotabato. Kinilala ni P/Insp. Benjamin Mauricio, hepe ng anti-vice and investigation division, ang nasawi na si Roberto Montano Igaran ng Libungan Construction Co., habang malubhang nasugatan si Aquilino Norosa, 63, driver ng nasabing kompanya. Naaresto naman ang suspek na si Rufu Villarubia ng Brgy. Malingin, Libungan. Malu Manar