Ex-mayor nilikida sa simbahan

LUCENA CITY, Philippines –  Kinarit ni kamatayan ang dating ma­yor sa bayan ng Candelaria, Quezon habang sugatan na­man ang da­lawa nitong alalay matapos pagbabarilin ng mga ‘di pa naki­kilalang kalalakihan sa bayan ng Candelaria, Quezon kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Elmo Francis Sarona, Que­zon police director ang napatay na si David Emralino, 54, ng Brgy. Pahinga. Ginagamot naman sa Lucena Doctors Hospital ang mga tauhan ni Emralino na sina  Freddie Acebron, 41; at Ramil Casilag, 42, kapwa nakatira sa Bustamante St. sa nabanggit na bayan. Napag-alamang dadalo sana ng installation ceremony ng Knights of Columbus si Emralino nang pagba­barilin kasama ang mga bodyguard sa harap ng San Pedro Bautista Church sa Brgy. Poblacion. Nakatakas naman ang mga killer sakay nfg dalawang kotse habang patuloy naman ang imbestigasyon. Arnell Ozaeta at Tony Sandoval

Show comments