^

Probinsiya

Buntis pinilahan, inutas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang tatlong buwang buntis na misis na sinasabing hinalay muna bago pinaslang ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa lib­ lib na plantasyon ng tubo sa Sitio Pulo-Lunoy, Brgy. Ha­waiian sa Silay City, Negros Occidental kama­kalawa.

Ang biktimang may ilang araw nang nawawala bago na­tagpuan sa maba­baw na hu­kay ay nakila­lang si Rubi­lyn Cartega.

Ayon kay P/Chief Inspector Rico Santotome Jr., lu­mili­taw na simula pa noong Hu­we­bes ng hapon ay hindi na nakauwi pa ang biktima ma­tapos magpa­alam sa tra­baho dahil sa pagsusuka at ma­sama ang pakiramdam nito.

Napag-alamang si Ru­bi­lyn at ang asawang si Da­nilo ay kapwa nagtatra­baho sa Hawaiian Sugar Central kung saan contractual secretary ang babae.

Ang biktima na sinasa­bing walang pang-ibabang saplot, punit ang damit pang-itaas, at tinabunan ng du­guang fatigue uniform saka bahagyang ti­ na­bunan ng lupa ay natagpuan ka­ma­kalawa ng asawa nitong si Da­nilo, pinsang si Gerald Roquero at utol ni Ruby na si Roderick Roquero sa bahagi ng Sitio Pulo-Lunoy, sa Brgy. Hawaiian.

Pinaniniwalaang isa hanggang tatlong lango sa bawal na droga ang huma­lay at pumaslang sa bik­tima.

Narekober ng pulisya ang bag ng biktima, isang fatigue na damit na duguan habang sinulatan pa ng mga killer ang folder na nakalagay. “Pa­senya ka lang day kay gin­sugo lang kami ni kabo” (pasensya ka na misis napag-utusan lang kami ni amo.”


vuukle comment

AYON

BRGY

CHIEF INSPECTOR RICO SANTOTOME JR.

GERALD ROQUERO

HAWAIIAN SUGAR CENTRAL

NEGROS OCCIDENTAL

RODERICK ROQUERO

SHY

SILAY CITY

SITIO PULO-LUNOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with