11 suspek sa Dad slay kinasuhan

Camp Vicente Lim, Laguna, Philippines – Sinampahan na ng Task Group DY ang 11 sus­pek ng kasong murder at frustrated murder kaugnay sa pagpaslang kay San Pablo City Councilor Danilo “DY” Yang at dalawa nitong supporter noong June 24, 2009.

Kinilala ni Senior Superintendent Rene Diaz Ong, Criminal Investigation and Detection Group-4A Regional Chief, ang mga sus­pek na sina Pelagio Masong­song, Jerry Araneta, Angel Masongsong, Lino Vecina, alias “Maysel; alias “Ka Vic/Tatay”; alias “Jake/Pac­ quiao”; alias “Jommel”; alias “Dodot”, Jimmy Mileda, at alias “Onte” ng Santiago, San Pablo City.

Tatlong kaso ng multiple murder at dalawang frustrated murder ang isinampa ng Task Force sa Department of Justice laban sa mga suspek na patuloy pa ring nagtatago hanggang sa kasalukuyan.

Sa 11 kinasuhan, si Mile­da ang tanging napatay sa pakikipagbarilan sa pulisya samantalang si Onte naman ang sumuko sa mga awtori­dad para maging state witness. (Arnell Ozaeta)

Show comments