Driver todas sa hijacker

Camp Vicente Lim, Laguna, Philippines – Kinarit ni ka­ma­tayan ang 58-anyos na driver samantalang suga­tan naman ang pahinante nito matapos itong i-hijack ng hindi pa nakikilalang mga suspek at iwan sa South Luzon Expressway sa San Pedro, Laguna ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Senior Superintendent Manolito Labador ng Laguna Police ang na­sawing biktima na si Per­celito Rafol, driver at resi­dente ng Pandacan, Manila.

Namatay si Rafol mata­pos magtamo ng mga sak­sak sa kanyang katawan samantalang sugatan na­man ang pahinanteng si Roel Bico, 20, na kasalu­ku­yang ginagamot sa Perpetual Help Hospital.

Ayon sa report, nag­mula sa Novaliches, Que­zon City ang mga biktima sakay ng isang 40-footer container truck para mag-deliver sana ng asukal sa isang softdrink company sa Sta Rosa City, Laguna nang maganap ang insi­dente. (Arnell Ozaeta)

Show comments