10 positibo sa AH1N1virus

ORIENTAL MINDORO, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang Calapan City sa Oriental Mindoro mata­pos lagnatin ang 400 estu­dyante mula sa dala­wang public school, kung saan 10 sa mga ito ang nag-positibo sa AH1N1 flu virus.

Sinuspindi na ni Cala­pan City Mayor Salvador “Doy” Leachon, ang klase sa Adriatico Elementary School at JJ Leido National High School kung saan nagmula ang mga estu­dyan­te na nakaranas ng lagnat at trangkaso.

Bukod sa dalawang eskwelahan, iniutos na rin ni Mayor Leachon ang suspen­syon ng klase sa lahat ng public school, elementarya at high school mula kahapon hanggang Agosto 1 para makapagsa­gawa ng disinfection.

 “Sa 400 estudyante, pumili lang kami ng sam­pung bata at lumabas na positibo lahat sila sa  AH1N1 flu virus,” ani Leachon

Sa panayam ng PS­Ngayon kay Leachon, pina­yuhan na n’ya ang mga ma­gulang ng mga apekta­dong bata na manatili sa kanya-kanyang bahay at mag-self quarantine para ma­iwasan pa ang pagkalat ng deadly virus.

Nagsagawa na ng information dissemination ang mga municipal health worker sa lahat ng kanilang ba­rangay kaugnay sa AH1N1 virus.

Inaasahang mapapa­bilis ang pagpapalabas ng calamity fund para ma­ipambili ng mga gamot at iba pang pangangailangan para sa paglaban sa natu­rang sakit. Arnell Ozaeta

Show comments