CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nagiging pabata nang pabata ang mga kriminal sa kasalukuyang panahon kung saan isang 13-anyos na lalaki ang sinaksak at napatay ng kanyang kalarong 11-anyos dahil lamang sa larong teks kamakalawa ng hapon sa Brgy Bagong Bayan sa Jose Panganiban, Camarines Norte.
Hindi na umabot ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Angelo Ocampo ng Sitio Patiao, Brgy. North Poblacion.
Samantala, ang sus pek na itinago sa pangalang Ramon ng Purok 3, Brgy. Luklukan Sur ay nasa pangangalaga ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na naglalaro ng teks nang agawin ng biktima ang P400 ng suspek.
Dito na nagkasuntukan ang dalawa sa kalsada habang pinanonood ng ilang kabataang lalaki hanggang sa undayan ng saksak sa tiyan ng suspek ang biktima.
Kaagad naman na naaresto ng ilang barangay opisyal ang suspek na sinasabing hawak pa ang duguang patalim na ginamit sa krimen.