Cafgu itinumba ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines —Tinam­bangan at napatay ang isang miyembro ng Citizens Armed Forces and Geographical Unit ng mga rebel­deng New People’s Army kamakalawa ng hapon sa Sitio Tractora, Barangay Bagong Sirang sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ng pulisya ang na­paslang na si Rodel Baesa ng Sitio Mantapaya, Barangay Lubigan Jr. at nakatalaga sa PA/CAA detachment sa Barangay Samay sa bayan ng Ragay.

Napag-alamang dumalaw ang biktima sa kanyang kapamilya nang harangin at pagbabarilin ng mga rebelde habang pabalik na sa kampo. Ed Casulla

Show comments