MANILA, Philippines - Nagbalik-loob sa pamahalaan ang may 15 rebeldeng New People’s Army sa Bukidnon, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat ni Maj. Michelle Anayron, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, na ang mga rebeldeng sumuko ay mula sa Front Committee 89 matapos madismaya sa nangyaring panggagahasa sa asawa ng kanilang kasamahang si Ka Aban sa nasabing probinsya.
Sinasabing bitbit ng mga rebelde ang kani-kanilang armas kung saan naunang nagbalik-loob sa pamahalaan si Ka Aban bunga ng panggagahasa sa asawa nito ng kanilang squad leader.
Ayon pa sa militar, ang pagsuko ng mga rebelde ay simbulo ng pakikiisa ng mga ito sa programa ng pamahalaan para sa katahimikan. Ricky Tulipat