MANILA, Philippines - Binigyan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 30-araw na ultimatum ang mga opisyal ng local na pamahalaan para linisin ang Marilao-Meycauayan-Obando river system sa Bulacan.
Ayon kay DENR Secretary Lito Atienza, kailangan din aniya ng tulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng Caloocan at Valenzuela sa Metro Manila, bukod pa sa mga bayan ng San Jose del Monte, Meycauayan, Marilao, Obando at ang bayan ng Sta. Maria sa Bulacan.
Sinabi ni Atienza, malaki ang tsansa na malinis ang nabanggit na ilog kung sama-samang magtutulungan ang mga opisyales.
Samantala, binalaan ni Atienza ang mga opisyal sa mga nabanggit na siyudad at munisipalidad na mahaharap sa administrative charges kapag nabigo ang mga ito na makipagtulungan sa rehabilitation ng naturang ilog.
Matatandaan na ang Marilao River ay tinukoy sa ulat ng Blacksmith Institute na isa sa pinakamaruming ilog sa buong mundo. Ricky Tulipat