5 kawani ng logging firm na binihag, nasagip

MANILA, Philippines - Ilang araw matapos na bi­hagin, nailigtas ng mga aw­to­­r­idad ang limang mangga­ga­wa ng logging firm ss ka­may ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front re­ne­gades sa Lanao del Sur ka­makalawa.

Kabilang sa mga bikti­mang nailigtas ay sina Eu­dillo Padilla, Rene Morteza, Felipe Lanuza, Vicky Lanuza at si Gerald Kabanig.

Ayon kay Lt. Col. Romeo Brawner Jr., ang mga bikti­mang nagmula pa sa Sitio Man-ay, Tignapoloan, Caga­yan de Oro City at mga mang­gagawa ng Vicmar Logging Concession ay binihag ng grupo ni MILF renegades leader Basit Kauyag noong Miyerkules sa Sitio Champion, Brgy. Panoruganan sa bayan ng Kapai.

Bandang alas-2:45 ng hapon nang masagip ang mga biktima ng tropa ng Army’s 103rd Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Rey Ardo at ng 1501st Provincial Mobile Group sa operasyon sa Poblacion, Kapai, Lanao del Sur.

Patuloy naman ang open­siba ng militar upang lansagin ang grupo ng MILF renegades na sangkot sa karahasan sa Kamindanawan. Joy Cantos at Ricky Tulipat

Show comments