5 mag-aaral positibo sa AH1N1 virus

ORIENTAL MINDORO, Philippines – Aabot sa limang estud­yante ng elementarya sa Calapan City, Oriental Min­doro ang nagpositibo sa AH1N1 virus na nagbun­sod para kanselahin ang pasok simula pa noong Biyernes.

Ayon kay Calapan City Mayor Salvador “Doy” Leachon, umaabot sa 132 mag-aaral sa Managbi Ele­mentary School ang na­iulat na nagka-lagnat at trang­kaso simula pa noong Biyernes.

 “ Sa 132 estudyante na may lagnat, pumili kami ng lima sa kanila para suma­ilalim sa random AH1N1 testing na pawang nagpo­sitibo,” ayon kay Leachon

Nagsimulang suspin­dihin ang klase mula noong Biyernes (July 17) at ta­tagal hanggang sa July 26 para maglinis sa loob ng mga silid-aralan.

Inaalam pa naman ng mga health officials kung saan nagmula ang virus na du­mapo sa mga estud­yante.

Mabilis ding nag-utos si Mayor Leachon sa kan­yang mga city health workers na magsagawa ng infor­mation dissemination tungkol sa AH1N1 virus sa kanilang 62 barangay.

 “’Di-dapat sila mag-panic, tumigil lang sila sa kani-kanilang mga bahay at uminom ng gamot na ipa­ mimigay ng aming mga health workers,” dagdag pa Leachon

Ayon sa report, apat na ang namamatay sa bansa dahil na rin sa AH1N1 virus­ ha­­bang hinihintay pa ang kom­pirmasyon ng Department of Health. Arnell Ozaeta

Show comments