3 holdaper todas sa shootout

MANILA, Philippines - Tatlong hindi pa nakila­ lang mga armadong hinihi­nalang miyembro ng robbery/holdup gang ang napaslang matapos na makasagupa ang pulisya sa Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Chief Supt. Leon Nilo dela Cruz, director ng Police Regional Office 3, na ang tatlong suspek ay hini­ hinalang nasa likod ng na­kawan sa TARELCO Office sa Sto. Ro­sario, Zara­go­sa, Nueva Ecija.

Bandang alas-11:30 ng gabi kamakalawa nang ma­ harang ng mga awtoridad ang mga suspek sa Barangay San­ tiago, Aliaga ng nasabing lala­wigan na nagresulta sa putukan ng magkabilang panig. (Joy Cantos)

Show comments