Kapitan idiniin sa baril

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang barangay chairman matapos makumpiskahan ng mga ma­ tataas na kalibre ng baril sa isinagawang raid sa kaniyang tahanan sa Malita, Davao del Sur kamakalawa.

Kinilala ni Chief Supt. Pedro Tango, Director ng Police Regional Office 11, ang suspek na si Docdoc Alcordo ng Barangay Pinal­palan sa nasabing munisipalidad.

Dakong alas-2:00 ng ha­pon nang salakayin ng pulisya ang bahay ni Alcordo na na­gawang makatakas sa ope­rasyon pero hindi nito maga­wang maitago o madala ang kaniyang mga baril.

Nakuha sa kanyang bahay ang iba’t ibang klase ng malalakas na baril tulad ng M60 machine gun at bala nito; isang M-14 riffle na may isang magazine na puno ng bala; isang M-16 na may 14 na magazine na punung-puno ng bala; at sari-saring klase ng bala ng iba’t ibang baril. (Joy Cantos)

Show comments