Legazpi City, Philippines – Isang misis ang natagpuan na lamang na nakahandusay sa loob ng isang kuwarto kung saan ito ay magpa-steam bath sa loob ng Casa Anuela Spa sa Barangay 7, Bano sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Ago Medical Hospital na si Estela Destura, 52 , may asawa at residente ng Barangay 24, Imperial Court Subdivision, Phase 2 sa lungsod na ito.
Naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi habang ang biktima ay nag papa-steam bath sa loob ng naturang establisimyento.
Pagkalipas ang halos isang oras nang balikan ng may-ari na nakilalang si Lourdes Aceneta upang tingnan ang kalagayan nito ng ito ay magulat sa kanyang nadatnan na nakabulagta ang biktima sa sahig. (Ed Casulla)