^

Probinsiya

Crew ng fastfood nagsauli ng P.2M

-

BULACAN, Philippines — Namayani ang katapatan sa trabaho at hindi nagpasilaw sa malaking halagang napulot ng isang store crew ng fastfood sa SM Ma­rilao kung saan agad nitong sinauli sa kinauukulan ang envelope na naglalaman ng P.2 milyon na naiwan ng kos­tumer noong nakalipas na buwan.

Pararangalan at bibigyan ng Gawad Pagkilala ni Bula­can Governor Joselito Mendo­za si Rod Louie Frias, na nag­sauli ng P.2 milyon sa may-ari noong Hunyo 23, 2009.

Si Frias, 21, anak ng mag-asawang sina Rodrigo at Loreta Frias ng Brgy. Mag-asawang Sapa, sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan ay crew ng Goldilocks Bakeshop sa SM Marilao. Napag-alamang nililinis ni Frias ang isa sa me­sa ng customer nang mapan­sin nito na may envelop na na­iwan ang customer.

Agad niya itong ipinagbi­gay-alam sa kanyang bisor at dinala sa Costumer Relation Office ng establisemento para pansamantalang ilagak ang envelop na naglalaman ng apat na cheke na nagkaka­halaga ng P.2 milyon.

Naibalik naman sa may-ari ang nasabing halaga matapos mag-usisa sa nabanggit na bakeshop.

Si Louie Frias ay katulad ng isang OFW na si Mildred Perez-Bunde na nagsauli rin ng P2.1 milyon sa tunay na may-ari na kanyang napulot sa basura sa Hong Kong may ilang linggo na ang nakalipas. Ang istorya ni Bunde na tubong Bayombong, Nueva Vizcaya nalathala sa mga pahayagan sa Hong Kong ay binigyan ng commendation ng House of Representatives dahil sa katapatan. – Boy Cruz


BOY CRUZ

COSTUMER RELATION OFFICE

GAWAD PAGKILALA

GOLDILOCKS BAKESHOP

GOVERNOR JOSELITO MENDO

HONG KONG

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LORETA FRIAS

MILDRED PEREZ-BUNDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with