BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Pinasinayaan ang itinuturing na pinakamalaking rebulto ni Dr. Jose P. Rizal sa buong mundo sa Barangay Casat, sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.
Pormal na binuksan sa may 7.3-hectare na shrine at multipurpose complex ay personal na pinangunahan ni Sen. Juan Ponce Enrile, kasama ang mga matataas na opisyal ng bansa na dumalo sa nasabing pagpapasinaya.
Bilang alay at paggunita sa nasabing bayani, buong tiyaga na ipinatayo ng mayamang Jordanian na si Mahmoud Asfour, na nakapag-asawa ng Pinay ang 16-meter bronze statue ni Dr. Jose Rizal.
Bukod sa pinakamalaking rebulto ni Dr. J. Rizal na makikita sa mataas na bundok ay nakapalibot din sa paanan ni Rizal ang 14-bronze na rebulto ng iba pang mga kinikilalang bayani at may kaugnayan sa kasaysayan ng bansa.
Sa naging talumpati ni Sen. Enrile, buong puso niyang pinasalamatan si Asfour sa proyektong personal nitong ginastusan, kasabay ng pag-amin na nakakahiya sa kadahilanan na isang dayuhan tulad ni Asfour ang may bukal na loob na gumastos at magmalasakit para magpatayo ng isang shrine na dapat sana ay proyekto ng gobyerno.
“The Rizal shrine is a gift to the Filipino people, it is a symbol of Filipino unity and hope. The cost is not important, but the need to contribute not only to the Filipinos but also to the world. It’s all sheer love and respect for the Filipino people that I dedicate this shrine honoring the bravery of Dr. Jose Rizal and other heroes of the country,” pahayag ni Asfour. Victor Martin