^

Probinsiya

Higanteng rebulto ni Rizal, ipinatayo ng Jordanian

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Pinasinayaan ang itinuturing na pinaka­malaking rebulto ni Dr. Jose P. Rizal sa buong mun­do sa Barangay Casat, sa bayan ng Bayom­bong, Nueva Vizcaya.

Pormal na binuksan sa may 7.3-hectare na shrine at multipurpose complex ay personal na pinangunahan ni Sen. Juan Ponce Enrile, kasa­ma ang mga matataas na opisyal ng bansa na dumalo sa nasabing pagpa­pasinaya.

Bilang alay at paggunita sa nasabing bayani, buong tiyaga na ipinatayo ng maya­mang Jordanian na si Mah­moud Asfour, na nakapag-asawa ng Pinay ang 16-meter bronze statue ni Dr. Jose Rizal.

Bukod sa pinakamalaking rebulto ni Dr. J. Rizal na maki­kita sa mataas na bundok ay nakapalibot din sa paanan ni Rizal ang 14-bronze na re­bulto ng iba pang mga kini­ki­lalang bayani at may kaug­nayan sa kasaysayan ng bansa.

Sa naging talumpati ni Sen. Enrile, buong puso ni­yang pinasalamatan si As­four sa proyektong personal nitong ginastusan, kasabay ng pag-amin na nakakahiya sa kada­hilanan na isang dayuhan tulad ni Asfour ang may bukal na loob na gu­mastos at mag­malasakit para magpatayo ng isang shrine na dapat sana ay proyekto ng gobyerno.

“The Rizal shrine is a gift to the Filipino people, it is a symbol of Filipino unity and hope. The cost is not important, but the need to contribute not only to the Filipinos but also to the world. It’s all sheer love and respect for the Filipino people that I dedicate this shrine honoring the bravery of Dr. Jose Rizal and other heroes of the country,” pahayag ni Asfour. Victor Martin  

ASFOUR

BARANGAY CASAT

BAYOM

DR. J

DR. JOSE P

DR. JOSE RIZAL

JUAN PONCE ENRILE

NUEVA VIZCAYA

RIZAL

SHY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with