Magkaibigan nilikida

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding panibugho ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa ma­patay ang magkaibigan ng mga ‘di-pa kilalang kalalaki­han kama­kalawa ng gabi sa Barangay Paliparan I sa bayan ng Dasmariñas, Cavite. Ang magkaibigang sakay ng motor­siklo nang ratratin ay nakilalang sina Felix Ege, 18 at Roberto Diolola Jr, 20, kapwa nakatira sa Brgy Paliparan 3. Napag-alamang sakay ng van ang mga killer na tumakas matapos isagawa ang krimen. – Cristina Timbang 


Show comments