6 dedo sa 'wild abaca'

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Anim-katao ang iniulat na namatay makaraang kumain ng ligaw na hala­mang abaca sa bayan ng Rizal, Palawan mula noong Mayo hanggang Hulyo 2009. Kinilala ni P/Inspector Rodelio Caballes, hepe ng Rizal police station, ang mga nasawi na sina Paso Lapisan, 50; Sermin Lapisan, 40; Masin Lapisan, 30; Peyal Tulingo, 33; Pago Untari, 40; at si Christian Desig, 8, pawang mga nakatira ng bulubunduking Barangay Culasian sa bayan ng Rizal, Palawan. Ayon kay Caballes, namatay na magkaka­sunod ang mga biktima sa loob ng dalawang buwan matapos silang magkasakit dahil sa pagkain ng ubod ng wild abaca. Napag-alamang hindi makababa ng bundok ang mga bik­tima para bumili ng pagkain sa bayan dahil sa madalas na pag-ulan sa nabanggit na lugar kaya naisipan na lang kumain ng nasabing halaman. Mula noon, isa-isa na silang namatay dahil sa lasong nakain mula sa ligaw na abaca. – Arnell Ozaeta at Joy Cantos

Show comments