^

Probinsiya

3 bomber ng MILF rebs nadakma

-

MANILA, Philippines – Tatlong kalalakihan na sinasabing bomber ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang nadakma ng mga tauhan ng Task Force Tugis maka­ra­ang salaka­yin ang safe­house ng mga  terorista na sangkot sa pambobomba sa simba­han ng Cotabato City kamakalawa sa Sultan Kudarat, Maguin­danao.

Gayon pa man, ayon kay Army’s 6th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce, nasawi ang  isang 11-anyos na ba­baeng elementarya pupil habang dalawang iba pang ang nasugatan ma­tapos na maipit sa palitan ng putok sa Sitio Bamban sa Brgy. Kabuntalan.

“Sila ang unang nagpa­putok, papalapit pa la­mang ‘yung raiding team nang umalingawngaw ang serye ng putok ng baril, so our troops returned fire, it’s too unfortunate may namatay na bata, tapos 2 rin civilian ang wounded,” pahayag ni Ponce.

Tumanggi muna si Ponce na tukuyin ang pag­ki­­kilanlan ng tatlong bomb expert ng Moro Islamic Liberation Front-Special Operations Group (MILF-SOG) habang isina­sailalim pa sa tactical inter­rogation.

Nasamsam  sa nasa­bing lugar ang isang Garand rifle at bomba na gawa sa 60mm mortar kung saan tangkang pasa­bugin sa Cotabato City.

Nasamsam din ang mga combat uniform, ilang identification card, gra­nada, iba’t ibang uri ng bala, combat boots, at iba pa.

Sa tala ng mga awto­ridad, aabot sa anim-katao ang kumpirmadong na­sawi habang aabot naman sa 50 ang nasugatan ma­karaang pasabugin ng mga terorista ang harapan ng Immaculate Concep­cion Church sa Cotabato City noong Hulyo 5. Joy Cantos


vuukle comment

COTABATO CITY

IMMACULATE CONCEP

INFANTRY DIVISION SPOKESMAN LT

JONATHAN PONCE

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT-SPECIAL OPERATIONS GROUP

NASAMSAM

SHY

SITIO BAMBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with