2 ginilitan sa traysikel

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na napaslang makaraang saksakin at gilitan ng ‘di-pa kilalang kalalakihan noong Linggo ng hapon sa bisinidad ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.

Ang mga biktimang naliligo sa sariling dugo na iniwan sa loob ng traysikel ay sina Noelito Pornela, 21, traysikel drayber at Ronnel Villanueva, 16, kapwa na­katira sa Purok 7, Sta. Teresa, Brgy. Dalahican, Lu­cena City.

Base sa police report, bandang alas-3 ng ha­pon nang magkakahol ang alagang aso ng mag-asawa sa nakaparadang traysikel sa harapan ng kanilang bahay.

Gayon pa man, dahil sa ingay na likha ng aso ay lumabas sa kanilang bahay ang mag-asawa para mag-usisa subalit lumantad ang traysikel (WW 9481) sa harapan ng kanilang bahay na may dalawang kalalakihan na duguan. Kaagad naman ipinagbigay-alam ng mag-asawa sa pulisya ang insidente. (M. Zoleta)


Show comments