MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang alagad ng batas ng ‘di-pa kilalang lalaki habang una ay naghahapunan kasama ang kanyang pamilya sa Barangay Mampang, Zamboanga City kamakalawa.
Napuruhan ng bala ng M16 Armalite rifle si SPO4 Recto Taup, nakatalaga sa bayan ng Dinas.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, pumasok ang killer sa loob ng bahay ng biktima dakong alas-5:40 ng hapon sa Quijano Subdivision, Loc son Drive at isinagawa ang pamamaslang. (Joy Cantos)