^

Probinsiya

PNP director, pinasisibak dahil sa jueteng

-

ILAGAN, Isabela, Philippines — Nasa balag na alanganin ngayon ang police director sa Isabela matapos mana­wa­gan ang ilang lokal na opisyal sa pa­ngunguna ni Gov. Grace Pa­daca sa pa­munuan ng pam­ban­sang pulisya upang patal­sikin sa puwesto dahil sa patuloy na operasyon ng jueteng.

Sa naunang pahayag ni Padaca, sinabi nito na nag­padala na siya ng liham kay PNP chief Director General Je­sus Versoza upang hili­ngin ang pagka-relief ni P/Senior Supt. Jimmy Rivera bilang Isabela police director.  

“There are mayors who have issues against Rivera, the vice governor himself has some questions on the way Rivera conducts his leadership. Rep. Edwin Uy also has issues against him,” pahayag ni Padaca.

“I should not be the only whom Rivera deals well with but the other officials as well,” dagdag pa ng Gober­nadora na personal na pumili kay Ri­vera bilang kapalit ni P/Senior Supt. Dominador Aquino, na nakatapos ng dalawang taon termino noong Pebrero 2009.

Kinumpirma naman ni Vice Gov. Ramon Reyes na ang kabiguan ni Rivera na mapatigil ang illegal gambling o jueteng ang isa sa mga rason kung bakit siya pinasisibak sa puwesto.

The Provincial Board had passed Resolution No. 42 last May to stop all illegal activities and the governor had given him five days to act on this,” pahayag ni Reyes

Ayon naman kay Rivera, mataas ang pagtingin niya kay Padaca kung kaya’t nireres­peto niya ang anu­mang de­sisyon ng gober­nadora.

“If I have my marching orders, I will not stay even for one minute longer, I will not solicit (endorsement) for my retention,” sagot ni Rivera

Samantala, inihayag na­man ng ilang mga opisyal at ilang sector ang kanilang suporta kay Rivera dahil sa pamamalakad nito lalo na ang pagbibigay disiplina sa buong kapulisan ng Isabela. (Victor Martin)

DIRECTOR GENERAL JE

DOMINADOR AQUINO

EDWIN UY

GRACE PA

IF I

ISABELA

PADACA

RIVERA

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with