^

Probinsiya

Laguna shootout: 4 holdaper, pulis utas

-

CAMP VICENTE LIM, La­guna, Philippines — Nagwakas ang pa­giging miyembro ng robbery/holdup gang ng apat na kalalakihang napatay ha­bang isang pulis din ang na­sawi sa naganap na shoot­out kamakalawa ng hapon sa bisinidad ng Barangay San Antonio sa San Pablo City, Laguna.

Kabilang sa mga na­patay ay sina Efren Ba­naag, 67, dalawang anak ni­tong sina Melchor Ba­naag at Nolito Banaag, 40; at si Mario Mendoza, 39, pawang mga residente ng Sitio Paraiso, Brgy. San An­tonio, at miyembro ng Ba­naag robbery-holdup gang.

Samantala, napatay din sa naganap na enkwentro si P02 Ricuerdo Molleda, miyembro ng San Pablo police station.

Si PO2 Molleda ay idi­ne­k­­larang patay sa San Pablo City Medical Center dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanyang mukha at ulo.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Manolito La­ba­dor, Laguna police chief, nakatanggap ng tawag sa telepono ang presinto ng pulisya kaugnay sa mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Israel Village bandang alas-5 ng hapon.

Kaagad namang rumes­ponde ang pulisya hang­gang sa sumiklab ang pu­tu­kan ng baril na ikina­sawi ng apat na holdaper at isang pulis.

Sa tala ng pulisya, ang apat na napatay ay may mga kasong robbery with double homicide ngayong 2009 na isinampa sa korte sa Laguna.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ng da­lawang 12-gauge shotgun, cal. 9mm pistol at cal. 38 revolver. (Dagdag ulat ni Ed Amoroso at Ricky Tulipat)

vuukle comment

BARANGAY SAN ANTONIO

EFREN BA

ISRAEL VILLAGE

MANOLITO LA

MARIO MENDOZA

MELCHOR BA

NOLITO BANAAG

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with