Killer ng mag-syota arestado
BULACAN, Philippines – Itinuturing ng lutas na ang kaso ng pagpatay sa magkasintahan na natagpuan sa patubig sa Barangay Cut-cot sa bayan ng Pulilan, Bulacan makaraang maaresto ng pulisya ang isa sa dalawang pangunahing suspek kamakalawa.
Sumasailalim na sa imbestigasyon ang suspek na si Ryan Navidad y Baguio, 24, ng Brgy. Tarcan, Baliwag, Bulacan.
Ang suspek ay positibong itinuro sa mga awtoridad ng pangunahing testigo at live-in partner nito na si Vanessa Flores, 36, gardener.
Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na namataan ang mga bangkay ng magkasintahang sina Mark Jay Palameñano 19, ng Sitio Dumayat; at Princess Valdez, 15, ng Brgy. Little Baguio, Baliwag kung saan kapwa may sugat sa likurang bahagi ng kanilang ulo.
Lumilitaw sa pagsusuri, ang babae ay hinalay muna bago pinaslang ng suspek.
Sa salaysay ni Vanessa sa pulisya, magkakasama silang nag-inuman ng alak nina Liezel Blesta, Princess Valdez, Mark Jay Falameñano nang dumating naman ang mga suspek na sina Ryan Navidad at Jomer Cortez y Cleofe 25.
Ayon pa sa ulat, ilang oras ang nakalipas ay nagpaalam na ang magkasintahan para umuwi ngunit sinundan pala sila ng mga suspek at isinagawa ang krimen.
Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay sinundan pala sila ni Vanessa at nakita ang buong pangyayari.
Tugis naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Jomer Cortez. Boy Cruz
- Latest
- Trending