Rape suspect nag-suicide?

CAVITE, Philippines– Isang preso sa Dasmariñas Municipal Jail sa Dasmariñas, Cavite ang natagpuang patay sa kanyang selda kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang preso na si Dolorico Ped­rosa, 44-anyos, karpintero ng Barangay Burol 2 ng ba­yang ito.

Nakulong si Pedrosa dahil sa panggagahasa umano niya sa sarili niyang anak na babae.

Bandang alas-4:00 ng madaling-araw nang ma­pansin ng ibang mga preso na hindi na humi­ hinga si Pedrosa sa pag­kakahiga nito sa loob ng selda. Isi­nugod siya sa ospital pero idineklara na siyang patay.

Ayon sa ilang preso, dalawang beses nang nagtangkang magpaka­ma­tay si Pedrosa dahil sa sumbat ng budhi kaugnay ng pang-aabuso niya sa kanyang anak bukod sa hindi siya dinadalaw ng mga miyembro ng kan­yang pamilya. (Cristina Timbang)

Show comments