KIDAPAWAN CITY, Philippines– Isang malakas na improvised explosive device na itinanim sa highway ng Pikit, North Cotabato ang pinasabog ng mga ’di kilalang suspek kahapon ng umaga.
Ang explosive, ayon kay Insp. Elias Dandan ng Pikit Police, ay gawa sa 81-mm mortar at ginamit na triggering device ang isang Motorola handheld radio.
Target umano ng IED attack ang military vehicle ng 7th Infantry Battalion ng Army na paparating sa naturang highway, ayon kay Dandan.
Pero ang bomba ay sumabog halos dalawang minuto makaraang dumaan ang isang military truck.
Ayon kay Dandan, signature ng Moro Islamic Liberation Front ang ginamit na IED sa roadside bomb attack.
Ang explosion, ayon pa kay Dandan, ay lumikha ng isang metrong lalim at laki ng hukay. (Malu Cadelina Manar)