MANILA, Philippines - Sinalakay ng mahigit 100 Moro Islamic Liberation Front renegades na naghasik ng sindak sa mga residente ang isang barangay sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa.
Ito’y sa kabila ng pagbabantay ng militar at pulisya sa lungsod matapos ang pagsabog sa pier na ikinasugat ng 16 katao kamakailan.
Batay sa report, sinalakay ng mga rebeldeng pinamumunuan ni Commander Ayatula ang Purok Tigpagaladan sa Barangay Kalilangan sa naturang lungsod at pinaulanan ng bala ang mga kabahayan dito.
Nagpakawala rin ng rocket propelled grenade ang mga rebelde at sinunog ang isang bulldozer na nagkakahalaga ng P17 milyon at pag-aari ng pamahalaang-lunsod ng Iligan.
Tumakas ang MILF renegades patungo sa Ka pai, Lanao del Norte bago dumating ang tropa ng mga sundalo at pulis. (Joy Cantos)