Lola sinuwag ng baka, utas

BATANGAS, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 68-anyos na lola matapos suwagin ng kanilang alagang baka sa Sitio Adan, Barangay Labac sa bayan ng Cuenca, Batangas kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Inspector Jose Coz, hepe ng Cuenca police station, ang biktimang si Florencia Briones. Sa police report, lumilitaw na isusuga sana ng biktima ang kanyang baka sa palayan nang magwala at suwagin ang matanda na naging resulta ng kanyang pagkamatay.

Napag-alamang naging mabagsik ang baka dahil sa kapapanganak lamang nito ng ilang linggo pa lamang ang nakalipas. – Arnell Ozaeta


Show comments