Pastor dedo sa gumuhong bato

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Hindi inaasa­hang sasalubong si kama­ta­yan laban sa isang 45-anyos na pastor matapos m­a­daganan ng gumuhong mga bato ang kanilang sa­sakyan sa kahabaan ng highway sa bayan ng Lum­ban, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya, ang nasawi na si Arnel Jesuitas ng Sampaloc Road, sa Sitio Lubigan, Tanay, Rizal. Su­gatan naman sina Divina Dulce Jesuitas, 43 at Ric Daza, 41, kapwa mga resi­dente din ng na­banggit na lugar.

Ayon sa police report, papunta sana ng ba­yan ng Victoria para mamili ng mga itlog ng itik sa negosyong balut sa Rizal ang mga biktimang sakay ng Hyundai van (ZRL-402) nang ma­bag­sa­kan ng mga tipak ng bato ang kanilang sasak­yan sa national highway sa Baran­gay Lewin bandang alas-9:45 ng umaga.

Isi­nugod naman sina Dulce at Ric sa Pag­sanjan Medical Center para ga­mutin, kung saan nanatiling nasa kritikal na kondisyon. (Arnell Ozaeta)

Show comments