^

Probinsiya

Negosyante dedo sa ambus

-

BATANGAS, Philippines — Pinag­ba­baril hanggang sa ma­patay ang isang 49-anyos na dating konsehal na na­ging negosyante sa pani­ba­gong paghahasik ng karahasan ng mga di-pa kilalang kalalakihan kaha­pon ng umaga sa Ba­ra­n­gay Caybunga sa bayan ng Balayan, Batangas.

Kinilala ni P/Chief Insp. Romeo Baleros, Balayan police chief, ang biktimang si Romeo Anzaldo, negos­yante, ng Antorcha St, Barangay 6.

Nabatid na patungong farm si Anzaldo lulan ng Toyota Innova (VEX-180) nang ratratin sa kahabaan ng barangay road bandang alas-9:30 ng umaga

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, nakaganti pa ng putok ng baril si Councilor Anzaldo laban sa gunman bago pa nakatakas ang mga ito sakay ng dalawang motorsiklo patungong bayan ng Lemery.

Sa follow-up operation ng pulisya, nasukol naman ang dalawang suspek na sina Jerry Alday at Richard Alvarez habang nagpapa­gamot sa Our Lady Of Caysasay Hospital sa bayan ng Lemery dahil sa tama ng bala ng baril.

 “Ang una nilang sinabi sa ospital ay naaksidente sila sa motorsiklo pero sugat pala sa tama ng bala ng baril ang ipinagagamot nila,” ani Baleros

Kasalukuyan pang pi­nag­hahanap ang kasama­hang babaeng nakatakas na sinasabing kasabwat ng mga suspek habang ina­alam pa rin ang motibo ng pamamaril. (Arnell Ozaeta)

ANTORCHA ST

ARNELL OZAETA

BALAYAN

CHIEF INSP

COUNCILOR ANZALDO

JERRY ALDAY

LEMERY

OUR LADY OF CAYSASAY HOSPITAL

RICHARD ALVAREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with