ABC secretary itinumba

BULACAN, Philippines — Niratrat at napatay ang isang sek­retarya ng presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Pulong Bu­hangin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Mendoza General Hospital sa Barangay Poblacion si Cynthia Calo y Galisanao 44, may-asawa, sekretarya ni ABC President Rodolfo Casas ng Brgy. San Gabriel.

Dalawang tama ng bala ng baril sa kanang dibdib at braso ang tumapos sa buhay ng biktima.

Base sa police report, naglalakad ang biktima kasama ang pamangking si Sarah Galisanao sa ka­habaan ng Km. 38, para mamili ng makakain bago umuwi nang lapitan at ratratin sa harapan ng Mer­sandi Pharmacy.

Nakatakas naman ang gun­man sakay ng motor­siklo na walang plaka patu­ngong bayan ng Norza­garay.

Sinisilip ng mga imbes­tigador ng pulisya ang ang­gulong pulitika ang isa sa motibo ng krimen dahil ang biktima at ang ABC president ay kilalang kaalyado ng kasalukuyang alkalde sa nabanggit na bayan. (Boy Cruz)

Show comments