BALAGTAS, Bulacan, Philippines – Isang 54-anyos na mister na si Camilo D. Guirina ang sinaksak at napatay ng kaibigan niyang si Antonio R. Dela Peña nang magkakulitan sila sa kanilang pag-iinuman kasama ng ilan pang lalaki sa Barangay Santol ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nakakulong sa presinto ng pulisya si Dela Peña na hindi pa rin malaman kung bakit niya napatay ang kanyang kaibigan. (Boy Cruz)