Mananahi grinipuhan

CAVITE, Philippines — Isang 61-anyos na mananahi na si Ramonita Catapang ang nasawi nang pagsasaksakin siya ng live in partner niyang si Jesus Barreta, 61-anyos, sa loob ng kanilang bahay sa Barangay F. de Castro, General Mariano Alvarez ng lalawigang ito kahapon ng madaling-araw. Sugatan din sa insidente ang isang kamag-anak ni Catapang na si Alberto Villanueva, 25 anyos, ng Sunshine Homes ng natu­rang lugar. Nauna rito, mainitang nagtatalo sina Catapang at Barreta nang umawat si Villanueva. Inundayan naman ni Barreta ng saksak si Villanueva. Sinubukan namang umawat ni Catapang subalit siya naman ang sunud-sunod na sinaksak ng suspek sa mukha at sa bandang dibdib na agad nitong ikinamatay. (Cristina Timbang)


Show comments