^

Probinsiya

Kinidnap na totoy pinalaya

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pagkatapos ng halos da­lawang linggong pagkaka­bihag, pinalaya na kama­ka­lawa ng mga kidnaper ang apat na taong gulang na batang si John Kyle Chiongson na anak ng isang negosyanteng Intsik sa Cotabato City.            

Ayon kay Supt. Danilo Bacas, spokesman ng Philippine National Police-Autonomous Region for Muslim Mindanao, inabandona si Chiongson ng kanyang mga kidnaper sa isang bakanteng lote sa Ba­rangay Taviran sa Datu Odin Sinsuat, Maguin­danao bandang alas-11:00 ng gabi ng Lunes.           

Idi­niin ng PNP na wa­lang ransom na ibinayad ka­palit sa kalayaan ng biktima. Ayon kay Bacas, napilitan ang mga kidna­pers na pakawalan ang kanilang bihag matapos ang tuluy-tuloy na operas­yon ng magkasanib na puwersa ng Maguindanao PNP, Cotabato City PNP, at ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.            

Nasa maayos ang kon­disyon ng pangangatawan ng bata nang ito’y kanilang makuha, ayon pa kay Ba­cas. Si Chiongson o kilala sa tawag na ‘Butyok’ ay dinukot ng apat na arma­dong lalaki noong June 25 habang papasok ng bahay niya sa Poblacion-3 ng Cotabato City at pilit na pinasakay sa isang itim na kotse na agad humarurot patungong bayan ng Sultan Kudarat, Maguinda­ nao. (Malu Cadelina Manar)


AYON

COTABATO CITY

DANILO BACAS

DATU ODIN SINSUAT

INFANTRY DIVISION

JOHN KYLE CHIONGSON

MALU CADELINA MANAR

MUSLIM MINDANAO

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with