Parak itinumba sa inuman
MANILA, Philippines – Isang pulis ang binaril at napatay ng isa niyang kasosyo sa negosyo habang nag-iinuman sila sa bahay ng una sa Barangay Insik, Sison, Pangasinan kamakalawa ng gabi.
Pinaniniwalaang alitan sa negosyo ang motibo ng suspek na si Alfonso Leo Delgado para paslangin ang biktimang si PO2 Jonathan Gomez ng Sison Municipal Police Station.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nag-iinuman sina Gomez, Delgado at ilan pa nilang kakilala nang biglang inilabas ng suspek ang dala nitong baril at pinaputukan ang biktima. Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng baril. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending