^

Probinsiya

Katedral binomba: 5 utas, 30 pa sugatan

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Lima-katao ang sinasabing namatay habang 30-iba pa ang nasugatan makaraang sumabog ang bomba na itinanim sa harapan ng Immaculate Con­cepcion Cathedral sa Quezon Avenue, Cota­bato City, kahapon ng umaga.

Napakaraming estu­dyante sa lugar nang ma­ganap ang pagsabog dahil ang misa ay para sa mga estudyante ng Notre Dame University sa Cotabato.

Kabilang sa mga nasawi sina Ruby Ramirez, 43, ng Brgy. Bulalo sa Sultan Kudarat, Maguindanao; Prince Salem Cang Diaz, apo ni Patricio Diaz, dating editor-in-chief ng The Min­danao Cross sa Cotabato City; Paulo Kahar, Elmer Noble 32, at isang ‘di-pa kila­lang lalaki na pinanini­wa­laang may dipe­ rensiya sa pag-iisip.

Putol ang dalawang paa ng isa sa nasawi kung saan na­kadikit ang mga kamay nito sa poste ng kuryente ng Cotabato Light and Power Com­pany na nasa tabi mis­mo ng Elsie Omega lechon house na pag-aari ni Ramirez.

Sina Kahar at Diaz ay na­matay habang gina­gamot sa Cotabato City Emergency and Medical Specialist Hospital dahil sa bomb shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sugatan at isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center at Cotabato City Emergency and Medical Specialist na sina Jay C Cer­gas, 29; misis nitong si Pris­cilyn, 27; at anak na si Vincent Jay, 3; Datu Manod Abedin, Nestor Luna, 29; Rey Silo Callado, 38; Ro­sita Echavez, Sonny Ilian, Puri­ficacion Alviar, Rodrigo Omin­ga, Mado Guiamad, Jocelyn Abdulla, 38; Fer­dinand Benora, 27; Gra­matica Pu­rling, Mohammad Tipadan, Maricel Escanel, 29; Jerri­mae Dapilan, 18; Junreil Say­re, 9; Danisa Sayre, 11; Joeffrey Sayre, 1; Giovanni Lomigcit, 19; Jayvil Joy Caida, 13; Sgt. Freddie Mil­­lan, kumander ng Caf­gu; Al­drian Sinapilo, Amilil Kaha­budin, Torla Arliechos, Jun Par­con, Weng Garcia, Zaca­ria Ampang at ang pitong sundalo na nagba­bantay sa harapan ng na­banggit na katedral.

Naaresto naman ang isang lalaki na ‘di-mu­na isiniwalat ang panga­lan na sinasabing nag-iwan ng bagahe sa lechon house na nasa harapan ng nasa­bing katedral.

Mariin namang kinon­dena ni Archbishop Orlando Quevedo, OMI, ng Archdiocese of Cotabato, ang pag-atake at tinawag niya itong isang ‘sacrilege’ o paglapas­tangan sa tahanan ng Diyos.

“The Church they attacked is a place of refuge, even for criminals. People were worshipping when the bomb went off. This is not just a crime, this is a sacrilege,” ayon kay Quevedo na nagmisa noong oras na sumabog ang bomba.

Napag-alamang pata­pos na si Bishop Quevedo sa kan­yang homily nang suma­bog ang bomba.

“When I heard the blast and saw smoke, I told my pa­rishioners to stay calm and not panic. But I can’t control the crowd,” dagdag pa niya.

Samantala, nagtayo na­man ng information desk si Quevedo  kung saan maa­aring makipag-ugnayan ang mga tao na nais mag­kaloob ng tulong sa mga biktima, o ‘di kaya’y sa mga naghaha­nap ng impormas­yon para sa kanilang mga nawa­walang kaanak.

Ipinag-utos na rin ni Co­­ta­bato City Mayor Mus­ limin Sema, ang pagpa­paigting ng seguridad sa buong lungsod, kasunod ng pani­ba­gong insidente ng pam­bobomba. (Dagdag ulat ni Mer Layson at Ricky Tulipat)

AMILIL KAHA

ARCHBISHOP ORLANDO QUEVEDO

ARCHDIOCESE OF COTABATO

BISHOP QUEVEDO

BUT I

CITY MAYOR MUS

COTABATO

COTABATO CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with