^

Probinsiya

Gawad Aguinaldo, inilunsad na

-

CAVITE, Philippines – Pormal nang inilunsad ang nominasyon para sa Gawad Heneral Emilio Aguinaldo: Para­ngal sa Natatanging Re­bolusyonaryong Caviteño” -ang pinakamataas na parangal na ipagkakaloob bilang pagpupugay sa kadakilaan ng bayaning Kabitenyo at unang pa­ngulo ng republika.

Nagkaroon ng ilang pagbabago sa parangal upang iakma sa limang katangian na taglay ng bagong tatak: Makasay­sayan, maunlad, mata­gum­pay sa pandaigdi­gang larangan, mapag­ling­kod at may pananaw sa hinaharap.

Limang kategorya ang binuo sa Gawad Aguinaldo kabilang ang Dakilang Caviteño Award na pina­kamataas sa mga kate­gorya at igagawad sa indi­bidwal na kinilala sa kan­yang mga gawa, mga na­ka­mit na tagumpay at su­masalamin sa tunay na rebolusyonaryong Kabi­tenyo at ang Maliksing Caviteño Award para sa mga kabataang Kabitenyo may edad 19 hanggang 29-anyos na matagumpay sa kanilang mga gawain at nagsilbing huwaran sa kanilang kapwa kabataan.

Binubuo ang Gawad Aguinaldo Board nina ex-Justice Ameurfina Melen­cio-Herrera, ex-Prime Minister Cesar EA Virata, Dr. Nellie Ilas, ex-Senator Vicente Paterno at si ex-Justice Justo Torres, na pawang mga tumang­gap na ng parangal.

Nagsimula nang tu­mang­gap ng nominasyon ang Provincial Information and Community Affairs Department na magta­tapos sa Hulyo 10 para sa pag­su­suri ng Gawad Aguinaldo screening committee. Ga­ ganapin ang parangal sa Agosto 30 kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Cavite. Para sa anumang katanungan, tumawag sa tel # (046) 419-1458, 4192950 at 4191919 loc. 119.

vuukle comment

CAVITE

DAKILANG CAVITE

DR. NELLIE ILAS

GAWAD AGUINALDO

GAWAD AGUINALDO BOARD

GAWAD HENERAL EMILIO AGUINALDO

JUSTICE AMEURFINA MELEN

JUSTICE JUSTO TORRES

KABITENYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with