3 dakma sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng tatlong sibilyan matapos maaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa magkahiwalay na barangay sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jayson Ang Dee, 35, ng Brgy. Porac, Botolan, Zambales; Byan Jacinto, 35, ng Brgy. Sto. Cristo, Malolos City at si Christopher Francisco, 31, ng Brgy.Biñang 1st, Bocaue. Base sa ulat, si Jacinto ay naaresto sa Brgy. Sta.Cruz habang sina Francisco at Dee na lulan ng Toyota Corolla (XTN 747) ay nasakote sa Violeta Metroville Subd. sa Brgy. Biñang 2nd, Bocaue. Boy Cruz

Show comments