BAGUIO CITY, Philippines – Naaresto ng pulisya ang isa sa pangunahing suspek sa kasong pagnanakaw at carnapping sa Crystal Cave noong Hulyo 1 kung saan aabot sa P6 milyong halaga ng ginto ang natangay.
Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Nero Mocyat Melecio, 32, ng Mankayan, Benguet. Narekober ng pulisya ang Mitsubishi FB (AEM 358) ng biktima na ginamit na gateway ng mga suspek.
Kabilang sa mga natangay ng mga suspek mula sa negosyanteng si Jay son Changwaten, ay ang 900 gramong ginto, 3.4 kilong raw material para makagawa ng gold at isang cal. 40 pistol. Artemio Dumlao